JANA copy

KASAMA na pala si Marco Gumabao sa Ningning base sa nakita naming post ni Ria Atayde na gumaganap naman bilang si Teacher Hope na inakala naming makaka-loveteam nito pero hindi pala.

“Naku, Tita Reggee, hindi po, Marco will be my pinsan pala sa story at saka sila po ni Maris (Racal), he-he-he… wala po akong ka-loveteam,” sabi ni Ria sa amin.

‘Ah ganu’n ba?’ sagot namin sa dalaga, at pinagtawanan ang idinugtong naming, ‘bakit hindi na lang kayo ni Ketchup (Eusebio) para magkaroon ng pangalawang nanay si Ningning?’

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Ano ka ba, Tita Reggee? Parang ang aga ko naman maging madrasta? Hindi po ba puwedeng ate or tita muna, second mom agad?”

Paliwanag ng anak ni Sylvia Sanchez, hindi naman daw siya namimili ng role at okay naman daw sila ni Ketchup at sa katunayan ay kuya ang tawag niya rito.

Paano kung ang napakaraming viewers ng Ningning ang mag-request na si Teacher Hope na lang ang maging ‘nanay’ ni Jana Agoncillo?

“Ha-ha-ha, ‘kaloka ka, Tita Reggee, okay na rin para mas exposed sa mga scenes, ha-ha-ha,” aliw na aliw pa ring sagot ng dalaga.

Mukhang mahaba pa kasi ang kuwento ng Ningning dahil maraming paghuhugutan ng kuwento lalo na ngayong nililigawan si Mamay Pacing (Sylvia) ni Mang Cris (Rommel Padilla). At si Ketchup naman ay hinahanapan nga ng ikalawang asawa at may bagong business. (REGGEE BONOAN)