ALDEN copy

KASALANAN ba ni Alden Richards kung siya lang ang solong pinakanta ng theme song ng GMA Christmas Station ID na MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko? 

Ang song ay sinulat nina BJ Camaya at Clare Yee at musika naman ni Simon Tan. Iyong mga nakapanood na nito nang unang ilabas sa YouTube, ay pinuri ang pagkagawa ng music video na may pagka-catchy ang tune at gugustuhin mong maki-sing along kay Alden habang nakikinig nito.  

As of Sunday evening, November 8, nakapagtala na ito ng 70,999,869 views worldwide sa YouTube.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang ilan sa comments na naka-post sa Twitter: ‘It’s a catchy tune and the MV (music video) with @aldenrichards was a bonus. He was adorable as usual.’ ‘Very catchy at ang galing maka-LSS. Video, very light and masaya, ang kulit ni Alden.’ ‘Ang harot na ni Alden lately, loving the Maine effect on Bae.’ ‘Ang signature dance ni Alden, ganda ng song, kudos sa lahat ng bumuo nito.’

Pero kung may pumupuri sa theme song at sa pagkanta ni Alden, may hindi naman satisfied na si Alden lamang ang pinakanta nito.  

Ang post naman nila sa Twitter: ‘Why Alden lang? Puwede naman po lahat ng artist ng GMA, di ba po?’ ‘Sana collaboration na lang po, ang daming singers ng GMA, di lang si Alden.’ ‘Di ba ubrang si Regine, Julie Anne o lahat na?’ ‘Parang di na tama, pati Christmas station ID solo niya, kasi unfair sa iba.’ ‘Sana may choir.’ ‘Sana si Rachelle Ann Go rin.’

Hindi rin namin alam kung ano ang concept ng Christmas Station ID. Puwedeng ang song ay ginawa talaga for Alden at si Alden naman ay isang good soldier na sumunod lamang kung ano ang gusto ng network. Siguro, hintayin na lamang natin ang malapit nang pagpapalabas ng GMA Christmas Station ID para malaman natin kung bakit ganoon ang song at bakit si Alden lamang ang pinakanta. 

Tungkol naman kay Rachelle Ann, katatapos din lamang mag-record ni Rachelle ng bagong theme song ng GMA Pinoy TV na nag-celebrate ng 10th anniversary kamakailan. (NORA CALDERON)