VATICAN (AFP) — Nangako si Pope Francis noong Linggo na ipagpapatuloy ang mga reporma sa loob ng Simbahan, habang minaliit ang “deplorable” leaks sa hindi nakontrol na paggasta ng Vatican.
“I want to assure you that this sad fact will not prevent me from the reforms which will proceed with my collaborators and the backing of you all,” sabi niya matapos ang Angelus prayers, kaugnay sa mga leak.
Isinusulong ni Francis ang mga reporma sa loob ng masekretong Vatican upang masupil ang walang pakundangang paggasta.
“I know that many of you are perturbed by the recent news on the secret documents of the Holy See which were taken and published. It was a deplorable act which does not help,” aniya.