“DO you know that a big company in Japan is buying GMA-7?”
Ito ang kaswal na tanong ng source na ikinagulat namin dahil wala naman kaming nababalitaang ganito sa showbiz.
Naging interesado tuloy kami kung paano nalaman ng aming source ang isyung ito.
“I was in a meeting with these Japanese investors for some projects then they told me na they’re having negotiations with GMA-7 and parang okay naman na. Hindi na kasi ako nagtanong regarding GMA. Anyway, I’ll let you know,” paliwanag sa amin.
Nabanggit pa ng aming source na sa Trinoma Mall niya imi-meet kahapon (Sabado) ang investors na kausap niya at timing naman dahil naikuwento ni Katotong Maricris Nicasio na may event si Alodia Gosiengfiao (cosplayer) sa nasabing mall dahil launching ng isang Japanese store.
Binanggit ng aming source na konektado sa Halo company ang kausap niyang Japanese investors at nang i-Google namin ang nabanggit na kompanya ay ito ang nabasa namin, “The Halo Channel is your home to experience award-winning original Halo programming, all through a custom-designed and personalized digital network.”
Ano sa palagay mo, Bossing DMB, matuloy na kaya ito?
(Wait and see tayo. Andami-daming gustong bumili sa GMA Network, ha? –DMB) (REGGEE BONOAN)