matteo-and-shaina-1 copy

BAYOLENTE ang reaksiyon ng loyal supporters ni Shaina Magdayao sa lumabas na tsikang nagkakamabutihan na sila ni Matteo Guidicelli.

 

Bakit daw ginagamit si Shaina para pag-usapan sina Matteo at ang girlfriend nitong si Sarah Geronimo na magkakaroon ng From The Top Concert sa December 4 at 5 sa Smart Araneta Coliseum?

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

 

“’Wag naman nilang apihin si Shaina,” eksaktong sabi sa amin ng loyalistang supporters ni Shaina, “’pinartner na nga kay Matteo ‘tapos gagawing kontrabida sa kanila ni Sarah. Puwede namang i-promote ang concert ni Sarah nang walang banggitan ng name ni Shaina, di ba, panggagamit ‘yun?”

 

Paliwanag namin, kaya siguro natsitsismis sina Matteo at Shaina ay dahil nga may serye sila sa Cinema One na sexy pa naman ang dating at kaya lang naman napag-usapan sa From The Top Concert presscon dahil may nagtanong kung ano ang reaksiyon niya sa kumalat na isyu na hindi naman din pinatulan ng Pop Princess.

“Puwede bang huwag nating pag-usapan ang mga ganyang bagay dito?” ang magalang na saway ni Sarah sa reporter na nagtanong tungkol sa isyu kay Shaina.

 

Pero ayaw magpaawat ang kausap naming supporters ni Shaina.

“Bakit naisyu si Shaina kay Matteo? Kasi mahina ang serye nila, kasi naman ipinalalabas sa tagong channel, eh, hindi naman lahat may cable!”

May katwiran din naman ang kausap namin, pero ikinatwiran namin na halos lahat ay may cable na at sa katunayan pati mga nadadaanan naming informal settlers ay naka-cable na.

 

Heto pa hirit, Bossing DMB, “Oo nga pala, bakit ginawa na lang background girl si Shaina sa ASAP?”

 

Sabi namin, ipararating namin ang obserbasyon nilang ito sa mga kinauukulan sa ASAP20. (REGGEE BONOAN)