Robin Padilla copy

ISINUKO ang apat na collection na baril ng actor na si Robin Padilla nang magtungo siya nang personal sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame kahapon.

Dumating si Robin pasado alas-12:00 ng tanghali kahapon dala ang baril na pa-expired ang lisensiya sa tanggapan ng Fire Arms and Explosive Office (FAEO) sa Camp Crame.

Kasama ni Robin na nagtungo sa PNP ang kanyang manager na si Betchay Vidanes para isuko ang mga baril kabilang ang kanyang long firearms.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Si Robin Padila, na tinaguriang “bad boy” sa pinilakang-tabing, ay unang humarap kay PNP Chief Ricardo Marquez para isuko ang mga baril na paso na ang lisensiya. (FERNANDO C. TABOY)