Isang ginang ang namatay habang 18 iba pa ang sugatan nang mabangga ng isang 10-wheeler truck ang isang pampasaherong jeep sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, iniulat kahapon.

Sa imbestigasyon ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), naganap ang aksidente noong Miyerkules ng gabi sa Barangay Kauswagan ng lungsod. Mabilis ang takbo ng truck na minaneho ni Jerry Suello nang makasalubong ang pampasaherong jeep at nasalpok ito.

Kinilala ni PO3 Roque Balistoy ang namatay na si Gina Cantones, 30, ng Bgy. Bayabas lungsod. Tatlo sa mga biktima ang nasa malubhang kalagayan sa Northern Mindanao Medical Center.

Idinetine si Suello at kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(FER TABOY)