Mar at Korina copy

SA kabila ng ilang bashers na nang-iintriga sa mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez-Roxas, tuloy ang kanilang simple at masayang pagsasama. Ang katwiran nila, matuwid na daan ang tinatahak nila.

Maraming hinaing ang ating mga kababayan na idinudulog sa mag-asawa at tahimik lang pala nila itong ginagawan ng solusyon o hindi na ipinamamalita pa. Sabi nga, ganoon ang paglilingkod na tatak Mar Roxas.

At higit sa lahat, naaalala namin sa minsang tsikahan namin with Koring na kapag nasa loob na sila ng kanilang sariling tahanan ay hindi na tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nila. Dahil gusto naman nilang maging pribado ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kamakailan ay ipinagdiwang nina Mar at Korina ang kanilang 6th wedding anniversary.

Sa bisperas ng kanilang anibersaryo noong Oktubre 26 ay sinalubong ng mag-asawa ang kanilang espesyal na araw sa pamamagitan ng isang tahimik at simpleng midnight snack na iniuwi ni Mar galing trabaho. 

Kinikilig na kuwento ni Korina, ang pasalubong ng esposo at sinabing, “happy anniversary, honey! Look what I have (blueberry cheesecake).

“Dala niya ang pasalubong na gustung-gusto ko. Bigla kong naalala ang aking Ama na lagi kong inaabangan sa pag-uwi niya galing trabaho dahil lagi siyang may dalang pasalubong para sa akin.”

Maaga pa lang daw ay pinadalhan na si Korina ni Mar ng malalaking dilaw na rosas at sa Instagram account ay ipinost ni Korina ng larawan nila ni Mar na kuha mula sa kanilang honeymoon sa Japan noong 2009 bukod ito ay nag-post din siya ng pinaka-bago nilang larawan. 

Sa caption ng nasabing post ay pinasalamatan ni Koring ang Panginoong Diyos sa anim na taong pagsasama ni Mar na walang palya ng kasiyahan. 

“This was during our honeymoon in 2009 in Japan. I wish I could say life was simpler for Mar and me then. But life has never been simple for us, between politics and television. 

“But time has passed by fast, and still, I seem to remember every moment. Six years later, it might look even more complicated for us. But Mar and I have discovered the secret: simplicity is within both of us. True love should be simple. And it is what matters. Thank you Lord for our 6 years.”

Hmmm, ang sweet ng magiging first couple, kung saka-sakali man. (Reggee Bonoan)