Nagpatupad ng big-time price increase sa liquefied petroleum gas (LPG), sa pangunguna ng Petron, kahapon ng umaga.

Sa pahayag ng Petron, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Nobyembre 2 ay nagtaas ito ng P2.95 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, katumbas ng P32.45 na dagdag sa bawat 11-kilogram na tangke nito.

Bukod dito, may dagdag-presyo rin na P1.65 sa bawat litro ng ibinebentang Xtend Auto-LPG, na karaniwang ginagamit sa taxi.

Asahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa parehong dagdag-presyo sa LPG at Auto-LPG, kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ang bagong price hike ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Oktubre1 nagtaas ang Petron ng P1.65 sa presyo ng LPG at 95 sentimos naman sa auto-LPG. (Bella Gamotea)