MASAYA kami para sa alaga ni Katotong John Fontanilla na si Shaun Salvador na kasama sa #ParangNormalActivity ng TV5. Lumabas na ang TV commercial niyang Sprite na ‘you want chum?’ ang sinabi niya sa halip na, ‘you want some?’

Natatawang nahihiya si Shaun nang tuksuhin namin na bulol pala siya kapag nakikita niya ang crush niya.

Huli naming nakausap ang binatilyo sa launching ng #ParangNormalActivity sa Sampaguita Events Place apat na buwan na ang nakararaan at noon pa lang ay napansin na naming mahiyain siya.

Tinanong naming kung ano na ang nabago sa kanya pero ngumiti lang! Susme, walang ipinagbago, Bossing DMB.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Medyo nabago na po, hindi naman po mahiyain, tahimik lang po talaga ako,” sangga ng bagets.

Sa pag-arte niya, may improvement na ba?

“Kahit papaano po, meron naman,” nahihiyang sagot ng bagets.

Kuwento ng mga kasamahan ni Shaun sa programa, madaldal naman daw ang binatilyo pero sadyang nahihiya kapag may ibang taong kausap.

Ibinuko si Shaun nina Ryle Paolo Santiago at Andrei Garcia na parating late sa mga lakad nila dahil maraming segue-segue at errands na ginagawa.

Katwiran niya, wala kasing ibang gagawa dahil siya lang ang lalaki sa bahay nila at ang mama at ate niya ay parehong may trabaho samantalang OFW naman ang daddy niya. 

Isa pa, seryoso siya sa kanyang pag-aaral.

“Busy lang po kasi finals namin kaya from school po, diretso ako rito sa taping,” kuwento ni Shaun.

Kaya pa ba niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho? (Siya ang nagbabayad ng tuition niya sa University of Asia and The Pacific sa kinukuha niyang Business Management. First year pa lang siya.)

“Kaya naman po, once a week lang naman ang taping ng #ParangNormalActivity,” nakangiting sagot ni Shaun.

Nagulat kami sa hirit ni Kiray Celis. “Talaga? doon ka nag-aaral? Pahingi naman ng P1,500 d’yan. Parang si Kuya Derek (Ramsay), hinihingan ko ng P2,500 kasi marami siyang raket, minumura ako. Sabi ko pa, maski brief mo na lang (hindi gamit), para sa tatay ko.”

Going back to Shaun, tinanong namin kung may girlfriend na siya.

“Wala po, wala pa po,” nakangiting sagot. 

Ka-loveteam niya sa programa si Ella Cruz, type ba niya?

Isang ngiti muna ulit ang isinagot ni Shaun.

“Type po pero work po muna kami.”

Type nga ba niya si Ella?

“Opo, bakit po?” balik-tanong sa amin.

Ganu’n pala ang mga type niya, sagot naman namin, mahilig mag-twerk na pinagbawalan na ngayon ng doktor dahil sa nangyaring aksidente kamakailan.

Samantala, wala munang planong tumanggap ng ibang show si Shaun dahil ayaw niyang makaabala ito sa pag-aaral niya.

Pursigido siyang tapusin ang pag-aaral niya.