Isang 25-anyos na babae ang nasawi nang saksakin siya ng kanyang live-in partner sa gitna ng kanilang pag-aaway dahil sa tuluy-tuloy niyang pagbubunganga sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) si Anabelle Merin, ng Barangay 105, Zone 8, Happyland sa Tondo, Maynila, dahil sa isang saksak sa dibdib.

Arestado naman si Luis Santos, Jr., 27, miyembro ng Commando Gang, na inabutan ng awtoridad habang naglalakad papalayo sa crime scene.

Batay sa inisyal na ulat ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 12:30 ng umaga nang magtalo ang dalawa sa Asuncion Street sa Binondo.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Pinuntahan umano ng biktima ang suspek sa lugar at doon binungangaan kaya inambaan ni Santos ng patalim ang kinakasama upang tumigil sa pagbubunganga.

Gayunman, nagpatuloy umano sa pagbubunganga si Merin, na sinasaktan pa umano ang suspek.

Dahil dito, nagdilim ang paningin ng suspek at nagawang saksakin si Merin nang hamunin siya nito at ilapit pa ang katawan sa suspek. (MARY ANN SANTIAGO)