Jolina copy

ANG matagal nang pagiging fan ni Jolina Magdangal ang isa sa mga dahilan kaya ang buong pamilya ng Escueta (Rivermaya band member Mark Escueta, Jolina Magdangal at ang anak nilang si Pele Iñigo) ang kinuha ng may-ari ng Megasoft Hygienic Products na si Aileen Go para sa commercial nila ng produktong Super Twin Premium Diaper.

“Fan talaga ako ni Jolina, alam niya ‘yun kaya nang maisipan naming kumuha ng endorser para sa aming Super Twins baby diaper, hindi lang ang anak nila ang agad ay naisip namin kundi maging silang dalawa ni Mark din.

Hindi lang ang produkto ang gusto naming maipakilala kundi ang kahalagahan nito sa buong mag-anak. Kung ano ang naidudulot nito para maging masaya ang isang pamilya,” kuwento ni Ms. Go na super hands-on sa project katuwang ang Big Boy Productions ni Baby delos Reyes.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa totoo lang naman, isa sa maipagmalaking pamilya sa showbiz sina Jolins, Mark at ang baby nila. Magdadalawang taon na si Pele pero hanggang ngayon ay gatas ng kanyang ina pa rin ang nagpapalaki at nagpapalusog sa kanya.

Malaki ang paniniwala ni Jolens na kaya bihirang dapuan ng sakit ang anak nila dahil pinalaki niya ito sa kanyang sariling gatas. At kahit saan pumunta, trabaho man o hindi, kasa-kasama ni Jolina ang anak.

“Si Mark supportive siya. ‘Pag alam niyang ikabubuti ng family namin or ikakasaya ng family namin, kumbaga, maayos na magiging kasama namin or magiging kaibigan ng family namin, go-go ‘yan. Minsan ako pa nga ang may ibang bagay na napapaisip pa ako.

Pero siya ipapaliwanag niya na ganito-ganyan, so kahit sabihin natin na medyo low profile siya, pero siya ‘yung mas malawak ang pag-iisip sa akin. Kasi siya ‘yung bumabalanse ng isip ko, kaya madali ko naman siya mapapayag sa mga bagay na alam kong makakabuti sa amin,” sey ni Jolens.

Samantala, balak nilang sundan si Pele sa huling quarter ng 2016 at wish nila na babae naman ang maging anak nila.

(JIMI ESCALA)