Ang presidente ng NBA Team Minnesota Timberwolves at coach na si Phil “Flip” Saunders ay binawian na ng buhay noong Linggo ng gabi (Lunes sa Pilipinas) sa edad na 60 matapos na ito ay maratay dahil sa sakit na kanser.

Magugunitang noong Hunyo, na-diagnosed si Saunders na mayroong Hodgkin lymphoma at ito ay lumiban sa kanyang trabaho sa Timberwolves noong Setyembre dahil sa mga kumplikasyon sa proseso ng gamutan.

“Flip was a symbol of strength, compassion, and dignity for our organization,” said Taylor. “He was a shining example of what a true leader should be, defined by his integrity and kindness to all he encountered,” Ang statement ng management ng Timberwolves.

Si Saunders ay gumugol ng 17 season sa National Basketball Association (NBA) sa koponan ng Timberwolves, Detroit Pistons at Washington Wizards at mayroong 654-592 win-loss record.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa statement ng NBA, nalungkot at nabigla sila sa pagkawala ng isang mahusay na coach at mabuting tao. Ang isinasagawang practice ng NBA kahapon ay itinigil muna bilang pagbibigay ng respeto sa pumanaw na coach.

Dahil sa pagkawala ni Saunders, si Sam Mitchell ang ipinuwesto bilang interim head coach ng Timberwolves.

Nagbukas ang NBA season sa paglalaro ng Minnesota Timberwolves kontra Los Angeles Lakers sa Staples Center noong Huwebes (Oktubre 29).

Kaugnay nito, pumanaw na rin si Legendary center ng Phoenix Suns na si Neal Walk sa edad na 67.

Sa ulat, nagkaroon ng kumplikasyon sa sakit si Walk matapos na tanggalan ito ng tumor sa kanyang spine noong 1988 na naging dahilan upang maputol ang paa nito.

Marami ang nalungkot sa pagkamatay ni Walk lalo na iyong mga namamahala sa Suns dahil sa marami itong nagawa upang sumikat ang koponan. Naging number 2 overall pick ng Suns si Walk noong 1969.

May average na 20 points at 12 rebounds ito noong 1972-73 season.

Si Walk ay ginawaran ng White House ng “wheelchair athlete of the year” noong 1990. (CNN Philippines)