AIKO copy

TUWANG-TUWANG pinasalamatan ni Aiko Melendez ang lahat ng mga tumulong at sumuporta sa kanya sa pelikulang Asintado na sa pangalawang pagkakataon ay nagbigay sa kanya ng international award.

Si Aiko ang tinanghal na Best Actress sa International Film Festival Manhattan 2015 dahil sa ipinakita niyang kahusayan sa naturang pelikula.

Tila nasa cloud nine pa si Aiko nang tawagan at mainterbyu namin tungkol sa panibagong malaking karangalan na ipinagkaloob sa kanya.

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully ng church members nito

Kuwento niya, nalaman niya sa kanyang director na si Louie Ignacio, na naroroon sa Manhattan mismo, na siya ang nanalo.

“Thank you po sa inyong lahat. Siyempre, kay Lord Jesus, salamat din sa aking director who made me bounce back in this movie. To my producers, Dennis Evangelista and Ferdie Lapuz, and to all the staff and crew of our movie, para po sa atin lahat ito,” sey ni Aiko na idinagdag na damang-dama niya ang kaligayahan at para bang hawak-hawak na niya ang tropeo kahit hindi pa ito naiuuwi ng kanyang direktor.

Siyempre, kasama sa mga pinasalamatan niya ang kanyang dalawang anak na nagsisilbing inspirasyon niya at ang kanyang churchmates at mga pastor.

“Siyempre, salamat pa rin sa Tito Ninong ko, Boy Abunda, kay Mader Ogie Diaz, to my Backroom family and manager Ms. Bettina (Aspillaga) at sa lahat ng press people,” sey pa ni Aiko.