kanyang amo matapos na hindi siya nito payagang makapaghinga at bumili ng gamot sa isang kalapit na botika sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Patay na nang dumating sa Jose Reyes Memorial Hospital si Antonio Magpantay, 42, may-ari ng Lunar’s Bakery sa Sta. Cruz, dahil sa tinamo nitong maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinabi ng pulisya na halos pitong saksak ang inabot ni Magpantay sa leeg.

Naaresto naman si Dante Casuno, 22, na nagtangkang tumakas matapos pagsasaksakin ang kanyang amo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa Manila Police District (MPD) Homicide Section, hinabol nina Eljay del Rosario, isang tricycle driver; at Joel Generalo Casuno, barangay tanod, ang suspek habang umiiskiyerda sa lugar na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Sinabi ng mga residente sa lugar na halos isang buwan nang nagtatrabaho ang suspek sa panaderya bilang stay-in helper, bago ang krimen. (Rachel Joyce E. Burce)