Ni GENALYN D. KABILING

BERLIN, Germany - Never again.

Kasabay ng paggunita kahapon sa ika-42 anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law, nangako si Pangulong Benigno S. Aquino III na hindi mauulit ang itinuturing na “madilim na yugto” sa buhay ng mga Pinoy kasabay ng pagtiyak na palalayain niya ang mga mamamayan sa kahirapan bilang tunay na diwa ng demokrasya.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Aquino matapos siyang gawaran ng freedom medal ni Friedrich Naumann Foundation sa siyudad na ito noong Sabado.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Libu-libong insidente ng paglabag sa karapatang pantao ang naitala kasunod ng paglagda ni noo’y Pangulong Ferdinand Marcos sa Proclamation No. 1081 na nagsasailalim sa buong Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.

“I accept with all humility and gratitude on behalf of our people this distinct honor that you have bestowed upon me, and we will forever be grateful for the recognition of our efforts in advancing the cause of all humanity,” pahayag ni Aquino bago nagtungo sa Amerika.

“Our generation, the so-called Martial Law Generation, had the dictatorship as its main life-shaping event. The victory of the people’s aspirations embodied in the EDSA People Power Revolution ended with a simple vow, and it said, ‘We will never again allow such situation to occur again,” dagdag ni PNoy.

Sa pagtanggap ng parangal, nagbalik-tanaw si Aquino sa mga pang-aabuso at kalupitan ng rehimeng Marcos noong panahon ng Batas Militar na kinabibilangan ng pagpatay, pagpapakulong at pag-torture ng mga inosenteng sibilyan na itinuturing na kalaban ng gobyerno.

Aniya, ang kanyang yumaong ama na si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ay nangunguna sa “Order of Battle” at ikinulong nang pitong taon at pitong buwan sa utos ni Marcos.

Noong panahon ng Martial Law, nakatatak pa sa alaala ni PNoy ang pagbabawal ng diktaduryang Marcos sa mga mamamayan na makabiyahe sa ibang bansa nang walang permiso ng gobyerno at nagpatupad ng curfew sa buong bansa. Ipinagbawal din ni Marcos ang malayang pamamahayag at pagtitipon at ang tanging nailalathala lang ng media ay mga balitang pabor sa gobyerno.

Dahil dito, sinabi ni Pangulong Aquino na bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.

Matapos ang panahon ng Batas Militar, sinabi ni PNoy na ibinahagi sa kanya ni Ninoy ang tunay na diwa ng demokrasya at ito ay ang kalayaan mula sa kahirapan ng mga mamamayan.