MAHAL na mahal ng TV host/actress ang iniwang remembrance sa kanya ng boyfriend niyang TV host/actor kaya kahit saan siya magpunta ay dala-dala niya lalo na’t wala raw magbabantay.

Binigyan ng TV host/actor ng puppy ang TV host/actress bilang ‘anak’ daw nila at ang ganda pa ng pangalan na hindi namin puwedeng i-reveal.

In fairness, cute naman ang puppy na ibinigay at sa tuwing lalabas ang magkasintahan ay dala-dala nila with matching stroller pa.

Heto na ang siste, naghiwalay na sina TV host/actor at TV host/actress dahil babaero raw ang una bukod pa sa hindi rin boto ang pamilya ng huli.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Siyempre, naiwan si Puppy kay TV host/actress. Ito ang naging kasa-kasama niya noong nalulumbay siya hanggang sa naka-move on na siya.

“Sobrang love ni _____ (TV host/actress) si _____ (puppy) kasi first baby niya kay _____ (TV host/actor), kaya maski nasaan siya, kasama ‘yan.  Ang problema ‘pag nagpunta ng _____ (ibang bansa) siya, paano saan niya iiwan?  Hindi pa kasi napapagawan ng passport.”

Kalurkey, plano pa talagang pagawaan ng TV host/actress ng passport si Puppy?  ‘Kasuwerteng aso dahil kapag nagkataon, mauuna pa siyang makapunta sa bansang may visa kumpara sa personal assistant ng amo niya.