Naiinip na ang independent bloc ng Kamara sa anila’y kabagalan ng gobyerno sa pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga pumaslang sa 44 na police commando habang nasa misyon para dakpin ang mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Iginiit ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, pinuno ng House Independent Bloc, kina Justice Secretary Leila de Lima at Miriam Coronel Ferrer, government peace panel chairperson, na tiyaking hindi mababalewala ang kaso sa tinawag nilang “massacre” sa mga operatiba ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

“More than two months have passed since the massacre and yet, we have not heard anything as to what the government has been doing to arrest the killers and filing of charges against them. Can the widows or kin of the SAF 44 still expect justice for the slaughter of their husbands, sons, brothers and their loved ones?” sinabi ni Romualdez sa harap ng mga mamamahayag sa isang press conference sa Jade Hotel and Suites sa Makati City noong Sabado ng gabi.

Sinabi ng kongresista na hindi na maaaring idahilan ng gobyerno na tutukuyin pa nito ang mga pumatay sa mga miyembro ng SAF dahil natapos na rin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang sarili nitong report at naisumite na rin sa gobyerno ang kopya nito.

National

PBBM supporters, nagtipon-tipon sa EDSA; sumigaw ng ‘demokrasya’

“The MILF leadership has even repeatedly declared that they will not surrender the killers. Therefore, they already know who the gunmen are. But despite this total disregard of the law, the government would not even demand the surrender of the killers. Let us not forget that the MILF and the territories they control are not exempted from the law. So it’s suspicious, to say the least, for the government to handle the massacre of the SAF 44 with kid gloves,” aniya.

Kinuwestiyon din ni Romualdez ang pagsisikap ng gobyerno na maaprubahan ang Bangsamoro Basic Law (BBL), na kasunduan nito sa MILF.