WASHINGTON (AP) — Sinimulan ng Saudi Arabia ang mga airstrike noong Miyerkules laban sa posisyon ng mga rebeldeng Houthi sa Yemen, sumumpa na ang ang kahariang Sunni ay gagawin ang “anything necessary” upang maibalik ang napatalsik na gobyerno ni Yemeni President Abed Rabbo Mansour Hadi na pinalayas ng grupong suportado ng Iran.

Sa isang pambihirang eksena, inihayag ng ambassador ng Saudi Arabia na si Adel al-Jubeir sa United States ang bibihirang military operation ng kanyang bansa sa isang news conference sa Washington halos kalahating oras matapos magsimula ang mga pambobomba dakong 7 p.m. (2300 GMT).

“Having Yemen fail cannot be an option for us or our coalition partners,” aniya.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS