Rafael Rosell

ISA ang Instagram account ni Rafael Rosell sa mga paborito naming bisitahin dahil ang dami naming natututuhan. Hindi lang OOTD o Outfit Of The Day, selfie pictures, food at mga kababawang bagay ang nakikita namin sa IG account niya.

Sa halip, kaalaman sa solar energy at ang nagagawa nito sa kalikasan, organic food, right exercise, right food, nagagawa ng different herbs sa katawan, medicinal value ng marijuana lalo na sa cancer patients, at climate change ang aming nababasa. Ang laking tulong sa followers ng ginagawa ni Rafael.

Humanga rin kami sa narinig kay Rafael na nag-artista siya dahil gusto niyang umarte at hindi para makipag-compete.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“I won’t stress myself, masama sa katawan ‘yun. Kung anong project ang ibibigay sa akin, gagawin ko and I’ll do my best to do my job, but not to the point na mang-aapak ako ng iba just to go ahead. I’m happy with what I achieve now, at least may time ako sa family ko,” sabi ni Rafael.

Happy na rin si Rafael na sa Second Chances ng GMA-7 lang siya regular napapanood, minsan naggi-guest sa ibang shows ng network tulad sa Sunday All Stars dahil nakakapagsayaw siya.

  

“Enjoy ako sa roles na ibinibigay sa akin ng GMA-7 at okay sa akin kung bida o kontrabida ako. Hintayin n’yo at may sorpresa ang karakter ko sa Second Chances, pero masaya ako na tanggap din ang tambalan namin ni Jennylyn (Mercado).

Nakatutuwa at may Team Lymore (para sa  Lyra na karakter ni Jennylyn at Jerome na karakter ni Rafael),” dagdag ni Rafael.

Hindi nai-involved sa intriga si Rafael and the last time na-involved siya sa  controversy ay nang mag-break sila ng ex-GF niyang nasa showbiz din noon. He learned his lesson, hindi na siya nanligaw ng taga-showbiz.

“Maraming maganda sa showbiz, pero mas pinili kong makipagrelasyon ng hindi taga-showbiz at tahimik ang relasyon namin. Long distance ang relationship namin ng GF ko ngayon dahil nasa Shanghai siya for some modelling job,” pagtatapos ni Rafael. --Nitz Miralles