Naghain ng not guilty plea si dating Benguet Rep. Samuel Dangwa sa mga kaso laban sa kanya na may koneksiyon sa pork barrel scam.

Si Dangwa, na inakusahang nagkamal ng may P27 milyon mula sa kanyang pork barrel, ay binasahan ng sakdal kahapon sa Sandiganbayan Third Division sa anim na kaso ng graft, anim na kaso ng malversation, at limang kaso ng direct bribery.

Bukod kay Dangwa, ang kanyang anak na si Erwin ay naghain din ng not guilty plea sa anim na kaso ng graft at anim na kaso ng malversation bilang co-accused.

Ang iba pang kapwa akusado ni Dangwa ay nagbigay din ng not guilty plea sa mga reklamo, kasama ang utak sa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang kanyang mga kapwa akusado na dumalo sa arraignment proceedings kahapon, na bukod sa kanila ay nabigyan na ng arrest warrants, ay sina Dennis Cunanan; Marivic Jover; Mylene Encarnacion; Ma. Rosalinda Lacsamana; Consuelo Lilian Espiritu; Maria Ninez Guanizo; Romulo Relevo; Eulogio Rodriguez; Gondelina Amata; Gregoria Buenaventura; Chita Jalandoni; Sofia Cruz; Filipina Rodriguez; Belina Concepcion; Evelyn de Leon; at Nitz Cabilao.

Sa kabilang dako, ipinagpaliban ng graft court ang pagbasa ng sakdal kahapon ng apat na co-accused ni Dangwa na sina Department of Buget and Management (DBM) Undersecretary Mario Relampagos at kanyang staff na sina Rosario Nunez, Lalaine Paule,at Marilou Bare.