Naghain ng not guilty plea si dating Benguet Rep. Samuel Dangwa sa mga kaso laban sa kanya na may koneksiyon sa pork barrel scam. Si Dangwa, na inakusahang nagkamal ng may P27 milyon mula sa kanyang pork barrel, ay binasahan ng sakdal kahapon sa Sandiganbayan Third Division...