Maying Martelino -Chairman Sports Vision Management group gestures with Ricky Palau- President Sports Vision Management group during the PSA forum, in Manila, march 24, 2015.  Photo by: Linus Guardian Escandor II

Hahataw sa Abril 5 (Easter Sunday) ang binuong Spiker’s Turf na para sa kalalakihan at ang pinakaaabangang Shakey’s V-League na para sa kababaihan sa ika-12 edisyon ng Shakey’s V-League Open Conference sa San Juan Arena.

Ito ang inihayag nina Sports Vision president Ricky Palou at Chairman Moying Martelino sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kasama ang mga coach na sina Roger Gorayeb ng PLDT, Nestor Pamilar ng Cagayan Valley at Champion Infinity team manager Sammy Gaddi.

“We created another league, the Spikers League, para naman mabigyan natin ng pagkakataon, na hindi lamang para sa kababaihan ang volleyball, ang kalalakihan din. Hindi lang basketball ang para sa lalaki kundi para din ito sa mga manlalaro natin na babae,” sinabi ni Martelino.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Walong koponan ang sasabak sa Spiker’s Turf na binubuo ng Cagayan Valley, Cignal, Fourbees, Philippine Air Force (PAF), Philippine Army (PA), PLDT Ultera, Champion Infinity at ang nagtatanggol na kampeon na IEM.

Walo rin ang sasabak sa Shakey’s V-League na kinabibilangan ng Baguio, Fourbees, Meralco, Philippine Army (PA), Philippine Coast Guard (PCG), PLDT TVolution, Philippine Navy (PN) at nagtatanggol na kampeon na Cagayan Valley.

Napuwersa naman ang namamahalang Sports Vision na limitahan lamang sa walong koponan ang mga kasali dahil na rin sa pagbibigay daan nito sa pagsasagawa sa bansa ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s Under 23 Championships at sa paglahok ng bansa sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

“We are so sorry for those applicants that did not make it,” pahayag ni Martelino.

“We are force to just limit the teams to just eight because we had to give way to the Under 23 and the SEA Games. We cannot handle more than eight teams at this time because of our international commitment,” giit pa nito.

Hindi naman problema sa liga ang paglalaro ng mga player sa dalawang liga kung saan hinahayaan pa nila ito upang mas lalo nilang mapahusay at ma-develop ang kanilang kakayahan at talento.

“That is the problem of the coach,” dagdag ni Martelino.

“We are not putting any prohibition to all the teams. We want to give the players the freedom to play and develop themselves,” sambit pa nito.