Miguel Tanfelix and Bianca Umali

Ni NITZ MIRALLES

LALONG sumaya ang graduation sa high school ni Miguel Tanfelix sa presence ng ka-love team niyang si Bianca Umali na nag-effort na pumunta sa Cite School of Life niya sa Dasmariñas, Cavite.

Kasama si Bianca sa parents ni Miguel na sina Gary at Grace Tanflix sa special people na dumalo sa graduation ng bida ng Once Upon A Kiss. Siguradong invited din si Bianca sa celebration after ng graduation rite.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Inaalam pa namin kung ano ang graduation gift ni Bianca kay Miguel at hindi naman ito papayag na ang message lang niyang “Congratulations, graduate! Super duper proud of you!!! Always here lang for you. Don’t change ha! Here’s to a new chapter of your life...High five” lang ang gift nito.

Kabilang si Miguel sa mga batang artista na dapat pamarisan ng ibang kabataan. Kasabay niyang grumadweyt this year sina Julia Barretto, Julian Estrada, Gabbi Garcia at Ruru Madrid na kahit maagang nagtrabaho at busy na sa showbiz, hindi pinabayaan ang pag-aaral.

Importante kay Miguel ang makapagtapos ng pag-aaral dahil bukod sa pangako niya ito sa parents niya, paghahanda rin sa kanyang future. Alam niyang hindi lahat ng panahon ay nasa showbiz siya at gusto niyang maging engineer o piloto.

“Masaya ko dahil isang malaking achievement para sa akin itong pagga-graduate ko ng high school para matupad ang pangarap ko. Nagpapasalamat ako sa lahat ng taong sumuporta sa akin, lalo na ang parents ko. Alay ko una kay God ang diploma ko, lagi kong pini-pray na makatapos ako ng high school at ibinigay niya,” sabi ni Miguel.

Malapit nang magtapos ang Once Upon A Kiss nina Miguel at Bianca at habang naghihintay ng next projext sa GMA-7, makakapag-concentrate ang teen actor sa paghahanap ng school para sa pagpasok niya sa kolehiyo.