ZAMBOANGA CITY - Nasa 600 ektarya ng taniman ang napinsala dahil sa bush fire na nagsimula noong Marso 19 sa mga barangay ng Mangusu at Tigbalabag sa silangang distrito ng lungsod na ito.

Ayon sa police report, namataan na nagsimula ang pagliliyab sa kagubatan sa Sitio Bincul sa Mangusu nitong Huwebes at kumalat sa mga kalapit na sitio.

Pinaniniwalaang ang pagliliyab ay dulot ng matinding tagtuyot na nararanasan ng siyudad simula noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Aminado naman ang mga bombero sa lungsod na wala silang kakayahang apulahin ang apoy dahil nasa bulubunduking bahagi ito. (Nonoy Lacson)
National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga