Jennylyn Mercado

HINDI tinupad ng aktres ni Jennylyn Mercado ang pangakong dadalo siya sa kasal ng ama ng anak niya, si Patrick Garcia at ni Nikka Martinez. Ni anino ni Jennylyn ay hindi namataan ng  mga dumalong bisita sa naturang kasalan. 

Pero kahit wala si Jennylyn ay present naman ang anak nila ni Patrick na si Alex Jazz na ring bearer nga sa kasal. Sa mga interbyu kay Jennylyn bago naganap ang kasalan ay tiniyak niyang isa siya sa magiging saksi sa pagpapakasal ni Patrick dahil, katwiran niya, naging malapit na sa kanya si Nikka Martinez.

Sey ng isang malapit kay Patrick, maaaring may nararamdaman pa ring ‘kirot’ si Jennylyn kaya iniwasan na lang ng aktres na masaksihan ang pagpapakasal sa iba ng lalaki na minsan din naman niyang minahal nang husto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayaw na rin namang magkomento ni Patrick nang tanungin siya kung bakit inisnab ni Jennylyn ang kasal nila ni Nikka. Ikinatwiran na lang ng aktor ang sobrang busy ngayon si Jennylyn.

Samantala, dumalo sa intimate wedding ng dalawa sa Blue Leaf Filipinas sa Parañaque ang halos lahat ang mga inimbita nila.

“Gusto naming ayusin ang pagkakamali namin. Para rin sa anak namin at sa aming dalawa,” sey pa ni Patricio. 

Siyempre, pinasalamatan ni Patrick ang ina ng kanyang bunsong anak dahil pumayag daw ito na magpatali sa kanya. 

Present sa wedding nina Patrick ang mga taga-showbiz na close sa aktor na kagaya nina Antoinette Taus, Paula Peralejo, Cogie Domingo, Cheska Garcia at marami pang iba.