NAGULAT ang kakilala naming alahera nang makitang suot sa isang birthday party ng kilalang celebrity ang mga paninda niyang mamahaling alahas na ibinibenta niya sa kaibigang construction magnate.

Kaagad na tinawagan ng kakilala naming alahera ang construction magnate na pinagbentahan niya ng mamahaling alahas kung bakit suot ng kilalang celebrity ang mga iyon at inamin naman nito na ‘hiniram’ kasi may pupuntahang party.

“Wala kasing katulad ‘yung mga tinda ko, siyempre alam kong sa akin galing ‘yun kaya tinawagan ko si _____ (construction magnate), at ‘yun nga, nakiusap si _______ (kilalang celebrity) kasi wala raw gagamitin.

“Wala palang gaanong alahas ‘yun, kung meron man, ilang piraso lang at maliliit pa, kaya nga sabi ko bebentahan ko sila (kasama pati pamilya ng kilalang celebrity) para magkaroon sila ng investment at hindi nanghihiram.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Wala namang masama sa nanghihiram, kaya lang siyempre sa sarili mo, hindi ka ba nahihiya kasi baka may nakakaalam o nakakita kung sino talaga ang may-ari ng alahas ‘tapos suut-suot mo, eh, sa showbiz ngayon, di ba, nalalaman lahat.

“Though hindi naman showbiz si _____ (construction magnate) kaya wala naman sigurong nakakaalam na nanghiram si _____ (kilalang celebrity), kaso naidaldal ko, ha-ha-ha.”

Feeling rich kasi ang kilalang celebrity na nakatira pa sila sa exclusive village na hindi alam ng mga kakilala kung paano naa-afford ang upa dahil super mahal. Kung pag-aari na raw nila ito ay mas lalong kataka-taka kung paano nila na-acquire ito dahil hindi naman talaga sila rich.

Kaya siguro talagang may-I-sipsip ang kilalang celebrity sa management ng network na konektado siya para bigyan siya ng project dahil siya ang breadwinner sa pamilya niya.