Ipatutupad ng Department of Transportation and ommunications (DoTC) ang ‘No registration, No travel policy’ sa susunod na buwan. Ayon kay DoTC Secretary Jun Abaya, sisimulang ipatupad ang nasabing polisiya sa Abril 1.

Aniya, paparahin ng mga traffic enforcer ang mga sasakyan na walang plaka at hihingin ang certificate of registration at official receipt ng sasakyan.

Binanggit ng kalihim na ang patakaran at panuntunan ay nakasaad sa memorandum circular No. AVT-2015-1927 ng Land Transportation Office (LTO), at pagmumultahin ng P5,000 ang lalabag dito.
National

VP Sara, pinayuhan mga Pinoy na maging matalino sa pagboto sa susunod na eleksyon