Isang magpinsan ang nagpakamatay matapos hindi pinirmahan ng kanilang guro ang kanilang school clearance sa bayan ng Daabantayan, Cebu noong Miyerkules.

Kinilala ang magpinsan na sina Jade at Wendel Manzanares, kapwa 15-anyos at third year students sa Daanbantayan National High School.

Sinabi ni PO1 Roberto Dapat Jr. ng Daabantayan Police Station, na nag-iwan pa ng mensahe sa social networking site na Facebook si Jade na nagpapaalam dahil sa pagkadismaya sa kanilang Filipino teacher na hindi pinirmahan ang kanilang school clearance.

Napag-alaman na bumagsak sa project ang dalawang biktima kaya nagmamatigas ang guro na pirmahan ang clearance ng mga ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Natagpuan ang magpinsan na nakabigti gamit ang sinturon sa loob ng kanilang bahay.

Binigyan na ng police escort ang guro matapos itong tumanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay.