Ai Ai delas Alas_REGGEE

NASA plano pala ni Direk Wenn Deramas ngayong taon na gumawa ng pelikula na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas pero mukhang naunsiyami dahil kumpirmadong lilipat na sa GMA-7 ang komedyana.

Tapos na kontrata ni Ai Ai sa ABS-CBN kaya walang magiging problema sa pagpirma nito ng kontrata sa Siyete, pero pagdating naman sa pelikula ay hanggang July pa ang kontrata niya sa Star Cinema.

Pero walang ideya si Direk Wenn kung itutuloy pa rin ng Star ang pelikulang gagawin niya with Ai Ai.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang Tanging Ina The Reunion sana ang gagawing pelikula ni Ai Ai pero dahil nilisan na niya ang ABS-CBN ay malamang na shelved na ang project.

Sabi ni Direk, sobrang nalulungkot siya sa gagawing paglipat ni Ai Ai sa ibang network.

“Siyempre nalulungkot ako kung totoo na nga ‘yan. Kasi isa siya sa mga pigil nang pigil sa akin dati noong may chance ako na lumipat, ‘tapos ngayon nauna pa yata siya,” napatawang banggit ni Direk Wenn.

Inamin ni Direk Wenn na hanggang July na lang din naman ang kontrata niya sa ABS-CBN. Non-exclusive naman ang kontrata niya sa Star Cinema at sa Viva Films.

Apat na pelikula ang gagawin ni Direk ngayong taon. Una ang Aswang na pagbibidahan ni Pokwang. May Claudine movie siya, romantic-comedy, pero ayaw pa niyang sabihin sa amin kung sino ang makakatambal ng comebacking actress.

Dalawa ang Vice Ganda movie na gagawin niya, ang isa ay ‘yung pagsasamahan nila ni Coco Martin at ang isa pa ay with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo na gaganap bilang mga superhero. –Jimi Escala