Personal na pinangunahan ng hepe ng Quezon City Hall detachment ang pag-aresto sa siyam na tauhan ng isang towing company matapos ireklamo ang mga ito ng mga empleyado ng Philippine General Hospital sa Quezon City kahapon.

Kinilala ni Supt. Rechie Claraval, ang mga dinampot na tauhan ng towing company na sina Edwin Dula, Joel Bernardino, Ryan Granada, Macky De Guzman, Erwin Flores, Ejaro Anton, Cristopher Atienza, Jomel Calma at Wilfredo Bongsot.

Nabatid na ang nagreklamo ay si Gary Viado, 42, empelyado ng Philippine General Hospital (PGH) at may–ari ng tinangay na Honda XRM.

Base sa report ni Claraval, dakong 1:00 ng hapon nang ireklamo sa kanyang tanggapan si Viado matapos tangayin umano ng mga suspek, na sakay ng truck ng MGLC Towing Company, ang kanyang motorsiklo hindi kalayuan sa Quezon City Hall.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Agad namang sinita ni Claraval ang mga suspek subalit imbes na ibalik ang motorsiklo ay nagsitakas ang mga ito sa iba’t ibang direksiyon.

Hinabol ni Claraval at inabutan si Atienza matapos hatawin nito ng baseball bat sa binti, upang siya at kanyang mga kasamahan ay sumuko.

Ayon kay Viado, ginamit pa umano ng mga suspek ang pangalan ni Mayor Herbert Batutista sa kanilang ilegal towing operation bagamat walang kaukulang business permit ang naturang towing company.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng QC hall ang mga suspek habang nahaharap sa kasong carjacking at usurpation of authority sa Quezon City Prosecutors’ Office.