Manny Pacquiao

Los Angeles (AFP)- Ikinagalak kahapon ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang kanyang napakatinding unang araw ng sparring bilang preparasyon sa kanyang May 2 showdown sa unbeaten US rival na si Floyd Mayweather Jr.

Ang workout ni Pacquiao sa Wild Card Gym ay kinapalooban ng limang mabigat na rounds na may pares ng sparring partners. Napasimulan ni Pacquiao na maiwasiwas na ang kanyang mga kamao sa kalaban na labis na ikinamangha ni US trainer Freddie Roach, bukod pa sa kanyang ginawang pagsasanay sa loob ng dalawang linggo sa Wild Card at sa General Santos.

“After 13 days of strength and conditioning and boxing drills at Wild Card plus weeks more of working out in the Philippines in February, it was great to finally put on the headgear and spar,” pahayag ni Pacquiao.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

“My sparring partners gave me good work today. They were perfect for testing the strategy Freddie and I have developed to beat Floyd Mayweather. I was very happy with my stamina and speed.”

Ikinatuwa ni Roach ang magandang pormang ipinakita ni Pacquiao matapos na mawala siya loob ng ring simula ng matalo si Chris Algieri noong Nobyembre sa Macau.

“Manny looked so fresh today. I’m very happy with what he showed me,” masayang sinabi ni Roach. “You couldn’t tell he had been away from the ring since the Algieri fight in November. Manny is on fire in the gym.”

Taglay ni Pacquiao, nasa ikalawang termino na niya bilang Congressman sa Sarangani province, ang 57-5-2 na kaakibat ang 38 panalo sa knockouts habang si Mayweather ay may malinis na 47-0 na mayroong 26 pagwawagi sa knockouts sa kanilang pag-entra sa MGM Grand Arena, Las Vegas matchup, ang laban na matagal nang hinintay ng fans sa loob ng mahigit na limang taon.

Ang much-anticipated showdown para sa pound-for-pound global ay kumamkam ng karapatan at inaasahang buburahin ang boxing revenue records.

Inalala ni Roach na ang sparring ni Pacquiao ay nagsimula sa St. Patrick’s Day habang ang US baseball teams ay nasa kasagsagan naman ng kanilang pre-season spring training, na sadyang nagbigay ng malaking kumpiyansa sa Pambansang Kamao para sa napakalaking laban sa kanilang henerasyon.

“When Manny threw out the first punch it felt like opening day of Irish Spring Training,” pagbibiro ni Roach. “I am confident May 2 will be celebrated for years to come as St Manny’s Day -- the day he drove Mayweather out of boxing.”