HINAYANG na hinayang pala ang big boss ng TV network sa pagkawala ng TV host/actress sa kanila dahil pinabayaan daw lumipat sa ibang network.

Kuwento ng assistant ng big boss sa kaibigan naming TV executive, napapailing na lang daw sila kapag napapanood nila sa TV ang TV host/actress na minsan ay naging contract artist nila.

“Laking panghihi-nayang ni Boss, huli na nang malaman niyang wala na pala sa kanila si _____ (TV host/actress), ano raw ba nangyari, bakit daw hindi nag-renew?”

Nagkausap na raw ang big boss at ang namamahala ng network at may personal palang isyu ang dalawa kaya hindi na pinag-renew. Hindi naman daw maintindihan ng ibang network executives kung bakit pinakawalan ang TV host/actress samantalang halos lahat ng programa niya sa kanila ay nagri-rate at kumikita kaya walang rason para pakawalan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Kaya panay ang discover nila ng puwedeng ipalit kay (TV host/actress) kaso nahihirapan sila. Mayroon sanang puwedeng tumapat, kaso mukhang may isyu na naman sila dahil inarte raw,” kuwento ng TV exec na kaibigan ng assistant ng big boss. --Reggee Bonoan