SANDIGAN ● Ang lahat ng kaunlaran ay nakasalalay sa matibay na pundasyon – ang edukasyon. Mahirap talaga makahanap ng trabaho kung kulang ang kaalaman ng aplikante, kahit saan mang bahagi ng bansa kahit pa umuunlad ang ating. “There’s a missing element to have a crack at employment - skills.” Ito ang sinabi ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director-general, Joel Villanueva sa isang pagtitipon ng kabataan sa Mandaue City at Cebu City.

Ani Villanueva, mabilis umano ang kaunlaran ng Cebu kung saan marami nang itinatayong industriya at sumisigla ang turismo kung saan nagpapalawak sa oportunidad na makapagtrabaho at makapagnegosyo ang mga mamamayan. Dahil dito, aniya, kanilang pinaglaanan ng P75.78 milyon para sa 7,375 scholar sa Cebu o 51% ng P149.12 milyon sa buong Region 7. “Education underpins all economic development. It’s the tool of the most ambitious governments in these technological times,” dagdag pa Villanueva.

***

KAY PACMAN AKO ● Umuugong na ang mga usapan kung sino ang mananalo sa labanang Paquiao-Mayweather – hindi lamang dito sa atin kundi sa ibang bahagi ng daigdig. Siyempre, hindi natin pagdududahan na si Pacman ang manalalo sa labanang ito sa kasaysayan. Sa pananaw ni undisputed world heavyweight champion Mike Tyson, kung hindi magbabago ng estilo si Floyd, maaga itong patutulugin ni Manny sa lona. Sa panayam ng Daily Mail sa New Zealand, malaki ang pananampalataya ni Tyson na palalasapin ng unang pagkatalo ni Manny si Floyd sa Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada. “I thought from the start that Paquiao is going to win. This guy is perpetual motion. He comes from every angle. He’s all energy. Always throwing punches. Never stops,” diin ni Tyson. “Floyd tucks in and picks his shots and he is more accurate. But he doesn’t throw anything like Manny’s hundred punches a round. It’s unlikely he can knock Manny out so if he wants to win he’s got to change. Unless he throws more punches he can’t win the rounds.” Sa isang conference, iginiit ni Floyd nagsimula na ang kanyang pagsasanay tulad ng ginawa niya sa nakaraang 47 laban. Pero hindi raw sapat iyon, ani Tyson. “He’s gotta do something different. He needs to take a look at how the only opponents who have given Pacquiao trouble are Tim Bradley and Juan Manuel Marquez, who also throw a hundred a round.”

National

Atom Araullo, panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz