Ipiprisinta ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang “World Water Day 2015 : Let’s Run for Water and Sustainable Development” na inorganisa ng Runners Republiq at RG Events sa Marso 22 sa CCP Complex, Pasay City.

Ang takbuhan ay bahagi ng week-long celebration sa pagsisimula sa Marso 16 hanggang 22 ng World Water Day sa koordinasyon ng government agencies at private organizations.

Ang event ay inaasahang dudumugin ng mahigit sa 4,000 runners, kasama na ang mga empleyado ng 25 private organizations at government agencies na pamumunuan ng DENR.

Bilang panimula ng aktibidad para sa week-long celebration ng World Water Day 2015, nakatutok ang takbuhan upang magbigay ng inspirasyon sa Filipinos upang gawin nila ang kanilang parte sa promosyon ng mas maigting na access sa malinis na tubig at responsibilidad sa kapaligiran.

National

Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!

Ang inisyatibo ay nakatutok rin upang makagawa ng awareness sa role ng tubig upang makamit ang lahat ng pangangailangan sa pagpapalawak ng adhikaing ito.

Ang race categories ay kinabibilangan ng 1K at 3K sa fun runners, at maging ang 5K, 10K at 21K sa competitive runners.

Ang special touch sa event ay ang symbolic 1K fun walk, kung saan ang mga magpapartisipa ay magdadala ng saplings sa kabuuan ng race.

Ang saplings na ito ay itatanim sa La Mesa Water Treatment Plant Compound ng Maynilad, ang pasilidad na siyang nakagagawa ng maiinom na tubig sa mahigit sa 8.9 million katao araw-araw.

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa takbuhan at iba pang Maynilad-led WWD events, mangyaring bisitahin ang FB/MayniladWaterWarrior o FB/runnersrepubliq.