WASHINGTON (AFP) – Inilabas na ng TIME magazine noong Huwebes ang kanilang bagong issue na nagtatampok sa 2016 presidential prospect na si Hillary Clinton na tila nagkaroon ng mga sungay.

Time mag_Hillary Clinton

Hindi ito ang unang pagkakataon na tila nagkasungay ang kanilang mga napipiling i-cover; ang posisyon ng letrang “M” sa salitang TIME ay natatapat sa ulo ng mga personalidad, kabilang na si Pope Francis, ang preacher na si Billy Graham at ang Microsoft founder na si Bill Gates.

Ibinahagi ng isang TIME reporter sa Twitter ang mga link ng 33 cover ng kanilang magazine na halos kapareho ng kay Hillary, kabilang na ang asawa niya, ang dating presidente na si Bill Clinton.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Nagpahayag naman ang National Review magazine sa Twitter at sinabing:

‘’She-Devil 2016: Photoshop lapse? Or subtle editorial statement?’’

Makikita sa cover ng TIME ang silhouette na larawan ni Hillary na may kalakip na headline na: ‘’The Clinton Way’’ at ang subhead naman ay ‘’They write their own rules. Will it work this time?’’

‘’In this case, the former secretary of state explained, those rules bless her decision to erase some 30,000 emails from the family server despite knowing that the emails had become a subject of intense interest to congressional investigators,’’ base sa cover story.