Aarangkada na ngayon ang 2015 Manila Bay Summer Seasports Festival sa ganap na alas-8:00 ng umaga sa Baywalk sa Roxas Boulevard.

Tampok sa nasabing event ang dragon boat racing na lalahukan ng mga lokal na Olympic rowers, Asian Games medalists, mga kasapi ng Philippine team, at iba’t ibang koponan. Magiging highlight din ang stock at formula races ng bancathon.

Ang dalawang araw na sportsfest ay magtatapos sa isang maningning na awards night at libreng live concert na pangungunahan ng bandang 6 Cycle Mind at Sassy Girls.

Ang naturang sports festival ay inorganisa ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard at suportado ng Cobra Energy Drink, The Generics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, Cignal, My Juiz, at Herco, ang official distributor ng Briggs at Stratton.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'