BUKAS ang isip at tanggap ni Zoren Legaspi na magsu-showbiz din ang kambal nila ni Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy at susundan ang mga yapak nila. Pero ang wish ni Zoren, huwag muna ngayon dahil ayaw niyang mawala ang childhood ng mga bata.

ZOREN LegaspiSabi ng aktor, hindi na maibabalik kapag ito ang nawala.

Nagpapasalamat si Zoren na hindi pa masyadong nagko-concentrate sa showbiz sina Mavy at Cassy at masaya nang gumagawa ng TV commercial at naggi-guest sa ASAP. Ganoon pa man, hinahabol na rin ng tao ang mga bagets ‘pag nasa mall. May nagpapa-picture at may naghihingi ng autograph.

Ang isa pang ayaw ni Zoren sa pagsu-showbiz ng mga anak ay nagbabantay sila ni Carmina.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“Ayaw ayaw naming nagbabantay sa kanila at matawag na stage parents. Labag sa kalooban namin ang maging gan’un. Habang nagbabantay sa kanila, naiisip namin ni Carmina kung dapat ba kaming nandoon. Siyempre, in denial kami dahil ayaw naming matawag na stage mom and stage dad,” pahayag ni Zoren.

Samantala, puring-puri ni Zoren sina Liza Soberano at Enrique Gil, mga bida na kasamahan niya sa Forevermore dahil mababait na bata at walang reklamo.

“Kahit dalawang oras lang ang tulog nila, hindi mo mariringgan ng reklamo. Ako, nagrereklamo ako dahil matanda na ako, pero sila, trabaho lang nang trabaho. ‘Kinuwento ko nga kay Carmina na hindi ako naniniwalang dahil launching nila ang Forevermore, kaya hindi sila nagrereklamo, talaga lang mabait sila,” pagmamalaki ni Zoren sa newest hottest stars ng Dos.

Sakaling mang magbago sina Liza at Enrique, maiintindihan sila ni Zoren dahil lahat naman daw ng sumisikat, nagbabago.

“Darating ang oras na may cut-off na sila dahil kailangan nilang parati silang maganda at guwapo at alagaan ang sarili. Magbabago rin ang mga sasakyan, damit at mga gamit nila, okey lang ‘yun, basta hindi magbabago ang ugali nila,” pagtatapos ni Zoren. (Nitz Miralles)