Ang American music legend na si Tony Bennett ang napili nina Lady Gaga atTaylor Kinney bilang kanilang wedding singer. Maaaring hindi na ito kataka-taka dahil sila ay malapit na magkaibigan matapos magsama sa ilang proyekto, kabilang na ang GRAMMY-winning jazz album, ang Cheek to Cheek.

Sinabi ni Bennett, 88, sa New York Post na kapag ikinasal si Gaga kay Kinney, siya ay kakanta. “They invited me to do it, and of course, I will,” pahayag ng mang-aawit.

Nang makapanayam ng ET si Lady Gaga sa ginanap na 2015 Oscars, inamin niya na nais ni Taylor na si Tony ang kumanta sa kanilang kasal. “He and Tony get along very well,” pag-amin ni Gaga.

Bagamat hindi ibinigay ni Bennett kung ano ang kanyang aawitin, kung sasamahan siya ni Gaga sa pag-awit, o sa kahit ano pa mang detalye tungkol sa mga preparasyon, ibinahagi naman niya ang pag-apruba ng groom. “She’s marrying a very wonderful man, very talented and very handsome,” pahayag ni Bennett. “I think he’s going be highly successful in films. He’s a very nice person.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagsimulang nakitang magkasama sina Kinney at Gaga noong 2011 nang itampok si Kinney sa music video niya na You and I. Pebrero 16 nang yayain ng aktor si Gaga na magpakasal sa pamamagitan ng pagbigay nito ng singsing na hugis puso. - Yahoo News/Celebrity