Tatangkain ni Filipino featherweight Rogelio “Jun” Doliguez na makabalik sa world rankings sa kanyang laban kay dating WBC at WBO bantamweight champion Fernando Montiel sa Marso 14 sa Baja California, Mexico.

Galing sa pagkatalo si Doliguez sa 5th round technical majority decision sa Pilipino ring si WBA No. 12 at WBC No. 15 featherweight Dennis Tubieron matapos siyang maputukan sa noo sanhi ng accidental headbutt at hindi na makalaban.

Sa nangyari, si Tubieron ang nabigyan ng pagkakataong lumaban kay world rated Josh Warrington ng Great Britain para sa bakanteng WBC International bantamweight title sa Abril 11 sa Yorkshire, United Kingdom.

Samantala, may pitong sunod na panalo si Montiel na kasalukuyang WBC United States Silver super bantamweight titlist at nakalistang WBC No. 6 at IBF No. 15 contender.

'Kokoy Villamin' na pirmado rin sa mga transaksyon ng OVP, walang records sa PSA?

Si Montiel ang inagawan ng Pilipino ring si Nonito Donaire ng mga titulo sa bantamweight division at mula nang tumaas ng timbang ay nagtala ng siyam na panalo sa 10 laban. Natalo lamang siya sa puntos sa kababayang si dating WBC super bantamweight titlist Victor Terrazas noong 2011.

May rekord si Montiel na 53-4-2 (win-loss-draw) na may 39 pagwawagi sa knockouts samantalang si Doliguez ay may 19-2-2 (win-loss-draw) na may 14 panalo sa knockouts.

Nangako si Doliguez na magwawagi laban kay Montiel sa pamamagitan ng knockout para makabalik sa world rankings dahil batid niyang hindi siya mananalo sa puntos sa bansang kilala sa hometown decisions.