Pokwang

AYON sa nakausap naming Kapamilya insider, ang paglisan ni Ai Ai delas Alas sa ABS-CBN ay suwerte naman para kay Pokwang.

May mga proyekto raw kasi ang Kapamilya Network na nakalaan para kay Ai Ai na tiniyak ng source na si Pokwang na ang sasalo.

Sa naturang source din namin nalaman na malapit na ring simulan ang pelikulang Aswang na pagbibidahan ni Pokwang. Excited nga raw ang mabait na komedyana nang malaman na si Richard Yap ang makakasama niya under the direction of Wenn. Deramas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naniniwala raw si Direk Wenn na magiging successful ang tandem nila ni Pokwang kagaya ng mga pelikulang nagawa niya na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas.

“Bagay na bagay kay Pokwang ang project. Hindi ko sinasabing mukha siyang aswang. ‘Yung pagiging flexible ni Pokwang, physically. Naniniwala ako, ang pagkita ng isang pelikula ay nasa timing. Basta maganda ang timing, ‘tapos dasalan mo at wala ka namang inaagrabyadong tao, ganu’n lang lagi ang formula,” sey naman ni Direk Wenn nang makausap namin.

Malaki ang paniniwala niya sa kakayahan ni Pokwang bilang comedienne. Nagkatrabaho na sila sa ilang proyekto pero ngayon lang niya ididirek si Pokwang sa pelikulang pagbibidahan nito.

Si Direk Wenn ang nagbanggit sa Viva Films ng naturang proyekto na iku-co-producer ng Star Cinema. Kakaibang istorya na naman daw ito tungkol sa pamilyang aswang.

Sobra ang tuwa ni Pokwang nang makarating sa kanya ang papuri ni Direk Wenn na ayon sa kanya ay naidirihe na siya sa The Lucky One at Apat Dapat.

“May mga pinagsamahan na rin naman kami ni Direk. Kumbaga, may foundation na ‘yung aming pagkakaibigan. Kailangan lang naming patibayin nang husto,” banggit pa niya.