Halos malimutan sa lahat ng mga ulat hinggil sa napipintong paglikha ng Bangsamoro Political Entity, patuloy sa pagpapatupad ng aktibidad ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa rehiyon, na binubuo ng mga Muslim na lalawigan ng Basilan (maliban sa Isabela City), Maguindalao, Lanao de Sur, Sulu, at Tawi-Tawi.

Ayon sa isang ulat mula sa Shariff Aguak sa Maguindanao, nagsasagawa ng graduation exercises ang education officials sa ARMM para sa mga batang mag-aaral sa 11 bayan ng Maguindanao na apektado ng labanan ng puwersa ng gobyerno at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sabi ni ARMM Education Secretary Jamar Kulayan, may 19,000 batang mag-aaral ang lumikas bunga ng labanan, at naging evacuation centers ang kanilang mga paaralan. Ngunit nagpapatuloy ang mga rehearsal para sa graduation, habang pinanonood ng mga evacuee, aniya pa, at ang commencement rites ay idaraos sa Marso 25-28.

Sa isang local autonomy, hindi ito parang isang “bigong eksperimento”, na sinasabi ng mga pambansang opisya na nagsusulong ng kapalit ng ARMM sa pamamagitan ng Bangsamoro. Sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman na nagpapatuloy ang regional government sa operasyon, nakukuha ng evacuation centers ang kanilang mga pangangailangan, at matutuloy ang graduation rites sa nakatakdang panahon, kahit na idaos pa ito sa evacuation centers.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Nagsimula ang ARMM sa Tripoli Agreement ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari noong 1976. Nag-isyu si Pangulong Marcos ng Presidential Proclamation 1628 noong 1977 na lumilikha sa “Autonomous Region in Southern Philippines” ngunit tinutulan ito sa isang pambansang plebisito. Isinulong ni Pangulong Cory Aquino ang bagong peace negotiations sa Moro National Liberation Front (MNLF) at nilagdaan ang Jeddah Accord noong 1987. Kaya isinama ng Aquino government sa 1987 Constitution – na umiiral ngayon – ang paglikha ng autonomous regions in Muslim Mindanao pati ang Cordilleras. Nilagdaan ang RA 6734 ni Pangulong Cory Aquino bilang batas na lumilikha ng ARMM noong 1989 at inaprubahan ito sa isang pambansang plebisito.

Matapos ang kanyang pagkahalal noong 2010, itinalaga ni Pangulong Benigno S. Aquino III si Hataman bilang acting governor ng ARMM upang pangunahan ang mga reporma ng kanyang bagong administrasyon sa rehiyon. Mahusay ang pagsisikap ni Hataman at nang tumakbo siya sa halalan noong 2013, malaki ang kanyang panalo.

Ang ARMM ngayon, kasama ang lahat ng repormang inilatag ng administrasyong Aquino, ay halos lahat ay bunga ng pagsisikap ni Governor Hataman. Sayang naman kung ibabasura na lamang ito bilang “bigong eksperimento” upang bigyang daan ang isang bagong autonomous region na tinatawag na Bangsamoro Political Entity.