GENERAL SANTOS CITY – Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ang isang dating alkalde sa South Cotabato na napatunayang nagkasala sa kasong graft na inihain laban sa kanya habang siya nasa puwesto pa noong 2006.

Sinentensiyahan ni Associate Justice Oscar Herrera, ng Sandiganbayan 2nd Division, ng anim na taong pagkakakulong si dating Koronadal City Mayor Fernando Miguel.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ng isang grupo ng mga local media practitioner laban kay Miguel kaugnay ng isang maanomalyang kontrata sa architectural consultancy services para sa pagpapatayo ng isang multi-milyong piso na halaga ng palengke sa Koronadal City.

Sa desisyon nito, inihayag ng graft court: “Wherefore, premises considered, judgment is hereby rendered finding accused Fernando Q. Miguel guilty beyond reasonable doubt of violation of Anti-Graft Law.”

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Pinagbawalan na rin ng korte na magserbisyo pa sa gobyerno si Miguel.

Ang anak ni Miguel na si Peter ang kasalukuyang alkalde ng Koronadal City.

Sinabi ni Miguel na iaapela niya sa Korte Suprema ang naturang desisyon ng Sandiganbayan. (JOSEPH JUBELAG)