Julia Barretto

HUMARAP sa media ang pretty young actress na si Julia Barretto para i-share sa lahat ang paghahanda  ng kanyang pamilya sa nalalapit niyang debut on March 10 sa Makati Shangri-La Hotel.

May hashtag na #JustJulia ang nasabing debut kaya’t naitanong kay Julia kung bakit may ganitong paalala?

“I like the idea of being Just Julia, kasi parang I’m always associated with being a Barretto, everything na lang that I am accorded to, all that I achieved is because I am a Barretto. And then ‘yung mga  judgement sa akin, siyempre iba ‘yung tingin nila sa akin but then here sa special  na ‘to the title is Just Julia will gonna showcase who I really am behind the camera, what makes me a normal teenager like everybdy and that makes me just Julia.” 

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

No’ng una raw  ay nagdalawang-isip pa si Julia kung itutuloy niya ang pagsi-celebrate ng kanyang birthday.

“I never thought I would have  debut kasi I always wanted to travel around Europe.”

‘Yun nga lang pinayuhan siya ng mga kaibigan at ng kanyang Mommy Marjorie Barretto na dapat niyang i-celebrate ang debut dahil minsan lamang ito mangyayari sa buhay niya.

“(And I realized), since it’s a very special day for me, especially that I’m turning 18 ‘tapos I told myself why not spend it with eveybody that I love, (people) close to me especially ‘yung mga fans ko. I want to be able to share them the whole experience and saying  goodbye to the childhood with them. So I ended up liking it all and I’m happy I’m having  a debut actually.”

Maraming nakapansin sa pagiging kalmado at husay sumagot ng teen actress sa mga tanong sa kanya. Bukod sa kanyang  mastery sa wika ni Uncle Sam. Malaman at makabuluhan ang kanyang mga sukling sagot, gaya ng, kung paano niya i-handle ang mga isyung kakambal na yata ng kanyang pagpasok sa showbiz.

“Siguro, number one is because I grew up na nakasanayan ko na (ang mga isyu), it was something I expected when I entered the industry. But it’s different kapag ikaw na ang nakaka-experience, di ba? But then along the way you realized that these  negative issues... they don’t  actually last forever and at some point they end, they don’t even last a month.”

Minsan ‘pag grabe na, iniiyakan na niya ang mga isyu sa kanya at sa kanyang pamilya, gaya ng isyu sa kanilang mag-ama  na sobrang ikinainis ng netizens sa kanya.

“Siyempre, I’m only human, nakaka-affect din siya, I have  feelings too. But I choose to be strong and went on na lang with my life. I can’t let them dictate  how I’m gonna feel.”

Naitanong din ang reaksiyon ni Julia sa sinabi ng amang si Dennis Padilla sa Aquino and Abunda Tonight na kung gusto niyang magpalit ng apelyido sa legal papers, isang katanungan lang ni Dennis ang maririnig sa kanya, if she’s happy kung mag-agree itong magpalit ng apelyido. ‘Pag nag-yes daw si Julia, hindi na magdadalawang-salita pa ang ama.

“But he’s also a father. I don’t believe that if I’ll do that, he’ll be happy. I mean, clearly he won’t be happy, so as a daughter too. Not for anything else, why would I do  anything that would make my father unhappy?” makahulugan niyang sagot.

Sa kanyang debut, dalangin ng teen actress na magkabati-bati na  ang kanyang mga tiyahing sina Claudine Barretto at Gretchen Barretto, maging ang kanyang mommy Marjorie na nakatampuhan ng dalawa.

Kaya nga raw gaganapin ang debut para magkita-kita at magkabati-bati na ang mga dating nagkasamaan ng loob.

“I want to believe that that’s the purpose of my debut,”  nakangiting pagtatapos ng isa sa pinakamagandang artista ng kasalukuyang henerasyon.