NAGKUNWARING galit si Edu Manzano nang magkomento si Katotong Leo Bukas na after 26 years sa showbiz at ilang TV network na nilipatan ay sa ABS-CBN pa rin ang bagsak niya.
Hindi itinatanggi ni Edu na kapag gagawa ng teleserye ay mas gusto niya sa ABS-CBN, bagamat mas kilala siya bilang TV host.
Kasama si Edu sa Bridges of Love na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Maja Salvador at Jericho Rosales. Matagal na siyang hindi gumagawa ng soap drama kaya hindi siya tumanggi nang ialok ito sa kanya lalo na’t napakaganda raw ng kuwento.
“Ito ang pinaka-interesting na project na in-offer sa akin, so it was exciting, eh. Saka iba ang story ng Bridges of Love, tingnan n’yo habang nade-develop,” sabi ng aktor sa presscon ng serye.
Dati kasi ay umiiwas na si Edu sa paggawa ng serye dahil naiinip siya sa tagal ng tapings lalo’t hindi lang naman ang pag-aartista ang pinagkakaabalahan niya.
“As you know, meron din akong mga restaurants na mga negosyo. I think now, at this stage of my career, I have the luxury of choosing the roles. So, depende kung may magandang role, bakit hindi?” sabi ng aktor.
Samantala, naitanong kay Edu kung ano ang final decision ng anak niyang si Luis Manzano sa eleksyon sa 2016.
“I think, he decided na hindi. Kasi it’s hard also na you run for elected office and then nakikita ka araw-araw sa telebisyon. Especially if you’re local government, mahirap ang local government, pisikal, kailangang nandodoon ka para sa kanila,”sagot niya.
Tungkol naman kay Batangas Gov. Vilma Santos, okay ba sa ex-husband kung tatakbo ito sa mas mataas na posisyon?
“She’s entitled to do anything she wants, you know, but also at the same time, these are very sensitive times, you know, lalo na ‘yung 2016, I think, we should take our vote very seriously. Kung itutuloy ‘yung mga sabihin na nating tagumpay ng administrasyong ito or do we go back to where we were many many years ago.
“So, ako, I take my vote very seriously, and I hope, the same will go for the whole of the electorate.”
Iboboto ba niya si Ate Vi?
“I would like to see kung ano ang magiging plataporma niya, you know, gusto kong makita kung sino ang mga magiging kasama niya. That’s why I’m saying gano’n kaimportante sa akin ‘yung boto ko.
“I’m not saying she doesn’t deserve it, pero latagan mo ako kung ano ang vision mo at plataporma mo,” paliwanag ni Edu.