Nagpadala ng karagdagang sundalo ang militar upang palakasin ang kampanya laban sa rebeldeng New People’s Army sa Davao del Sur at Davao del Norte.

Sinabi ni 10th Infantry Division Commander Major Gen.Eduardo Anio, dumating ang karagdagan tropa ng 7th Infantry Division bilang bahagi ng pagpapalakas ng puwersa. Aniya pa, ang karagdagan sundalo ay idedeploy sa kanilang peace and development outreach program at striking force sa gagawing pagtugis sa mga rebeldeng NPA.

Sinabi sa ulat na dumating ang nasabing tropa noong Pebrero 27 sakay ng C-130 plane at ikakalat ang mga bagong dating na sundalo mula sa 3 batalyon ng Philippine Army mula sa 69th IB, 84th IB, at 71st IB.

Sinabi pa ni Anio,ang Davao region ay isa sa pinakamalaking pwersa ng NPA at armed groups na nais nila linisin ng militar.
National

Shear line, easterlies patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH