SI Leo Bukas ang nakapansin na pare-parehong Urian awardee sinaJericho Rosales, Maja Salvador atPaulo Avelino na magkakasama sa bagong Bridges of Love serye ng ABS-CBN at kahit hindi nila iniisip kung sino ang mas magaling sa kanilang tatlo, may conscious effort for sure sa kanila na galingan ang acting lalo na kung kaeksena ang isa’t isa.

Si Maja ay tinanghal na Urian best actress para sa Thelma, si Jericho ay nanalong best actor para sa Alagwa at si Paulo naman ay nanalong best actor para sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Saka, sabi ni Direk Richard Somes, sa taping, hindi niya iniisip na winner sa Urian ang tatlo, pero lagi siyang masaya dahil laging their best ang ipinapakita sa bawat eksena.

Nag-post si Paulo ng teaser ng Bridges of Love sa kanyang Instagram and as of yesterday, may 2,433 likes na ito. Ang ganda ng eksenang tinitingnan niya nang may pagnanasa ang sumasayaw na si Maja. Gusto rin ng followers niya ang eksenang tinatanong niya si Maja kung magkano ito at gusto niyang bilhin.

Sa May 16, magsisimulang umere ang Bridges of Love na pinagbibidahan ng sinasabing isa sa most beautiful love triangle na mapapanood sa television. --Nitz Miralles

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?