CANBERRA (Reuters) - May hangganan din ang paghahanap sa nawawalang Malaysia Airlines flight MH370, ayon sa deputy Prime Minister ng Australia, at naguusap na ang Australia, China at Malaysia kung dapat ba na itigil na ang paghahanap sa eroplano sa mga susunod na linggo.
Hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang bakas ng Boeing 777 aircraft, matapos itong misteryosong maglaho noong nakaraang taon, kasama ang 239 na pasahero at crew.
Biglang nawala ang MH370 sa radar screens ilang minuto matapos mag-take off mula sa Kuala Lumpur papuntang Beijing noong umaga ng Marso 8, 2014. Naniniwala ang mga imbestigador na nawala ito sa himpapawid matapos lumipad ng libu-libong milya bago bumulusok sa Indian Ocean.