Pipiliting manalo ni Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Ronda Rousey sa depensa ng kanyang UFC 184 title laban kay Cat Zingano para mapanood ang laban ng paborito niyang si WBO welterweight champion Manny Pacquiao laban kay WBC at WBA 147 pounds titlist Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada.

Sa panayam ni Carlos Boogs ng TMZ, nabatid na gusto ni Rousey na makabili ng ringside ticket na nagkakahalaga ng hanggang $60,000 upang mapanood lamang ng malapitan ang kanyang iniidolong si Pacquiao.

“I really want to go so bad,” sabi ni Rousey. “I gotta go beat Cat Zingano so I can make a couple million dollars and afford that ticket. Pacquiao has been very, very nice to me so I’m going to root for him.”

Itataya ni Rousey ang kanyang korona laban sa wala ring talong si Zingano at inaasahan ng mga apisyonado sa UFC ang kanyang pagwawagi.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

“Ronda Rousey is in the last days of her preparation for her UFC 184 fight against Cat Zingano. Both fighters are putting their undefeated records on the line, but there’s an added incentive for Rousey,” dagdag sa ulat ng TMZ. “Mayweather-Pacquiao tickets.”