INDIANAPOLIS (AP)- Sapat na para kay LeBron James ang pagwawagi ng koponan noong Biyernes kung saan ay mapapahanay siya kay Kyrie Irving upang magpahinga sa kanilang laban kahapon sa Pacers.

Sinabi ni coach David Blatt na mawawala sa aksiyon si James para sa precautionary reasons matapos na ang NBA's four-time MVP ay magreklamo hinggil sa nararamdamang sore lower back at overall general soreness. Umiskor si James ng season-high 42 puntos sa impresibong 110-99 victory kontra sa Golden State. Sinabi ni Blatt na desisyon na rin niya iyon.

''I might as well get it out of the way,'' pahayag ni Blatt hinggil sa kanyang pregame availability. ''I've decided to sit LeBron this evening. As you saw he experienced some soreness last night during the game. I decided to rest him.''

Papalitan siya sa lineup ni James Jones, nagsimula sa kanyang karera sa Indiana at nakasama si James sa Miami.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Si James ay isa sa pinakamahusay na manlalaro sa liga simula ng umentra ito sa liga noong 2003-04, naimintis lamang ang 64 mga laro sa nakaraang 11 seasons. At ilan doon ay galing sa huling bahagi ng season nang ang kanyang koponan ay naghahanda sa playoffs kung saan ay pinayagan naman si James na magpahinga.

Ngunit ‘di ito kaparehong nangyari sa season para sa two-time NBA champion.

Ang kanyang pagkawala laban sa Indiana ang nagmarka sa ika-11 laro na naimintis niya sa season. Walo sa nakaraang pagkawala nito ay may kaugnayan sa back problem.

Ang ‘di paglalaro ni James ay ‘di naman balakid sa Cavaliers (37-22), kung saan ay alam na ng koponan na wala rin sa kanilang hanay ang iba pang All-Star. Napagtagumpayan nila ang 18 sa nakaraang 20, ang dalawang pagkatalo ay nagmula sa Indiana may tatlong linggo na ang nakalipas.

Para sa sellout crowd sa Indiana, isa itong napakagandang sorpresa. Ilan naman sa fans ang dumating na nakasuot ng jersey ni James. Nanatili si James sa locker room sa pagsisimula ng laro imbes na umupo ito sa bench.